JANELLAPagbalik ko ng bahay, deretso akong pumasok sa sala. Ramdam ko pa ang pagod sa pagmamaneho pero mas nangingibabaw ang kaba at galit na matagal ko nang kinikimkim. Nandoon si Jamilla, paikot-ikot ang lakad, halatang hinihintay ako.Pagkakita niya sa akin, agad siyang lumapit. “Ano na? Pumayag ba si Noel?” tanong niya, halos hindi makahinga sa kakaisip.Napangisi ako habang inaalis ang sapatos ko. “Jamilla,” sabi ko, sabay upo sa sofa, “walang tao ang aayaw sa tatlong milyon.”Nanlaki ang mata niya. “Ibig mong sabihin, pumayag?”Tumango ako. “Oo. Tatlong milyon, wala nang tanong-tanong. Alam mo naman ang mga taong tulad ni Noel. Hindi sila tapat sa kahit sino. Tapat lang sila sa pera.”Umupo siya sa tapat ko. Tahimik siya sandali, parang iniisip ang mga susunod na mangyayari. “Kelan mo planong isagawa ang plano?”Huminga ako nang malalim. “Ngayon linggo. Hindi pwedeng matagal. Habang tahimik pa ang lahat, doon tayo gagalaw.”Tinitigan niya ako. “At kapag mo nakuha na si Nancy at
Read more