JAMILLANatatawa ako habang naglalakad papasok sa kulungan. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit ko o dahil sa wakas, nakita ko rin ang babaeng matagal kong kinatatakutan na nakasuot ng kulay kahel na damit, walang make-up, magulo ang buhok, at kasama ng ibang presong babae.Pagdating ko sa harap ng rehas, nandoon siya.Si Janella.Hindi na siya ang dating mabango, maayos, at sosyal na babae na palaging nakaayos ang buhok at may mamahaling bag. Ngayon, maputla ang balat niya. May mga marka ang braso niya. Ang buhok niya, buhaghag. Wala na ang dating kinang sa mukha niya.Pero isang bagay ang hindi nawala.Ang galit.Ang inggit.At ang paghihiganti.Pagkakita niya sa akin, tumayo siya agad. Dahan-dahan siyang lumapit sa rehas.“Ano’ng ginagawa mo dito?” malamig niyang tanong.Napangiti ako. “Dinadalaw kita.” Sabi ko sabay hagis ng plastic na may favorite nitong cake pero binato niya ito pabalik kaya natapon.“Hindi ako kailangan ng awa mo.”“Naku,” sagot ko sabay tawa. “Hindi awa ang d
Read more