“By Wednesday, we have a schedule in Intramuros. Doon gustong magpakuha ng photoshoot para sa isang birthday event ng bago nating kliyente. And by Saturday, tuloy ang debut celebration na kukuhanan natin ng video coverage. So, we are going to be so busy this week, Theo,” mahabang pahayag ni Anie kay Theo na ngayon ay matamang nakikinig sa kanya. Titig na titig sa kanya ang binata pero waring wala naman sa mga sinabi niya ang buong atensyon nito.“Theo...” untag niya pa rito nang hindi ito nagbigay ng komento sa kanyang mga sinabi.Disimuladong hinamig na ng binata ang sarili nito saka nag-alis ng bara sa lalamunan. Nang nanatili itong walang imik ay nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.“N-Narinig mo ba ang mga sinabi ko?”“Y-Yes, Anie. I am sorry, hindi ko lang maiwasang... I mean---”“May problema ba?” mabilis niyang singit sa pagsasalita nito.“Nothing,” anito sabay tayo mula sa kinauupuan nito. Humakbang ito palapit sa kanyang mesa bago nagpatuloy pa sa pagsasalita. “Hindi ko lang ta
Última actualización : 2025-12-26 Leer más