Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag
Dernière mise à jour : 2026-01-19 Read More