"...And Tita, I was thinking na after the wedding, baka gusto kong ipa-renovate ang second floor ng bahay ninyo. Gusto ko kasi ng mas modern na vibe, something classy pero homey pa rin," ani Ysha habang naglalaro ng kanyang tinidor sa plato. Napangiti si Mama at tumango. "Naku, ang sipag mo namang magplano, hija. Buti ka pa, samantalang itong si Caleb, napakatahimik," biro niya, sabay tawa. "Dapat sumabay ka sa excitement ni Ysha, anak." Napilitan akong ngumiti ng tipid, pero sa loob-loob ko, parang nawawalan ako ng gana sa bawat bukambibig ni Ysha. Puno ng mga pangarap na hindi ko naman parte—mga plano na hindi ko man lang naiisip noon. Tahimik lang akong kumakain, hindi ko na rin alam kung anong lasa ng pagkain sa harapan ko. "Caleb, you're too quiet. Ayaw mo ba ng ideas ko?" biglang tanong ni Ysha, ang tono niya’y mapanuksong may halong bahagyang pagtatampo. Nakatitig siya sa akin, hinihintay ang sagot na gusto niyang ma
Last Updated : 2025-11-04 Read more