Tahimik akong tumango. Totoo naman. Sa bawat session namin, unti-unting gumaan ang bigat na dala ko. Sa bawat kwento, sa bawat tanong ni Ms. A, natutunan kong harapin ang mga bagay na iniiwasan ko."Thanks, Ms. A Sa lahat," mahina kong sabi, pero buo ang pasasalamat ko.Ngumiti siya. "You did most of the work, Kylus. I just helped you see things differently."Saglit kaming natahimik. Pinagmamasdan ko ang simpleng ayos ng opisina niya—yung mga libro sa shelf, mga frame ng motivational quotes, at ang malamig pero maaliwalas na ilaw mula sa bintana. Parang naging komportableng lugar ito para sa akin.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, kinuha ang coat sa gilid, at iniabot ang kamay ko sa kanya."I guess this is goodbye," sabi ko.Tinanggap niya ang kamay ko, mahigpit pero mahinahong handshake. "Goodbye for now. But remember, you’re always welcome if you need to talk again."Lumabas ako ng opisina niya, at habang nagsasara ang
Last Updated : 2025-09-30 Read more