"Pasensya ka na, hindi muna ako makakapasok, inform kita kung okay na ang schedule ko." Kausap ni Yelena si Gerald sa cellphone. "Okay lang, I will cover for you.""Thank you, tatawag ako mamaya at update kita regarding sa R&D.""Looking forward to it."Nagpaalam siya at binalikan ang nakabukas na laptop sa study table. Ilalapag na sana niya ang cellphone nang mag-ring iyon ulit. Si Lola Ale ang tumatawag."Hello po, Lola?""Hello, Yena? Naistorbo ba kita?" "Hindi po, Lola, okay lang po.""Nasaan si Argus? Hindi ko siya matawagan. Nagpunta kasi ako ng palengke kanina at nagkaroon ng problema ang kotse, buti na lang nakita ako ni Morgan. Narito ako sa bahay niya, isinama niya ako at hinatid niya sa shop ang sasakyan para matingnan. Tumawag ako kay Argus para masundo ako. Pero hindi siya sumasagot.""Umalis po siya. May emergency daw sa Le Cadran at titingnan niya. Sige po, try ko po siyang tawagan.""Salamat, apo. Sige, maghihintay na lang ako rito."Yelena typed out Argus' contact nu
Last Updated : 2026-01-20 Read more