"Argus!" gimbal na sambit ni Yelena. "Move over," sumenyas ang lalaki na umusod siya. Nang hindi siya kumilos ay sapilitan nitong pumasok ng sasakyan at umawang na lang ang bibig niya nang hapitin nito at pinauupo siya sa kandungan ng lalaki, habang nanggagalaiting nakatingin sa kanila si Madam Eleanor."What is this, Argus?" sikmat ng matandang babae."I should be asking you that, Madam. What brings you here? Do you plan to take away my wife without my permission?" ungol ng lalaki, animo'y liyon na handang lamunin ang kausap.Tumawa ng pagak si Eleanor. "Wife? Kailan ka ba titigil diyan sa walang kwenta mong biro? Lumabas ka at kakausapin ko lang si Yelena.""No, you can talk to her while I'm here. Ano'ng problema kung maririnig ko ang usapan ninyo?""Argus," ungot ni Yelena."I am staying with you, don't even try to negotiate with me," sagot ng lalaki. "Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin sa matandang iyan. Wag kang matakot, akong bahala sa iyo. Sumigaw ka, magalit, tumanggi
Last Updated : 2026-01-07 Read more