Si Gina na secretary ni Prof. Albaro ay ilang beses na bumisita kay Yelena sa hospital para tiyaking okay lang siya at makakaya niyang pumunta sa event. Ang totoo ay hindi siya okay. May tahi siya sa ulo. Pero sinikap niyang mabawi ang lakas at maipakitang masigla na siya at nang makaalis siya ng hospital."Masyadong mabilis ang recovery mo, hopefully hindi mo pinuwersa lang ang sarili mo. You fell badly and the injury can't be taken lightly," remind ng attending physician niya."Don't worry, Doc, mag-iingat po ako. Kailangan ko lang talagang makalabas na rito. Promise, hindi ko pupuwersahin ang sarili ko.""Kailan mo ba gustong lumabas?""Bukas po sana. May importanteng bagay lang po akong aasikasuhin." Ayaw niyang sirain ang pangako sa kaniyang guro. Napakahalaga sa kaniya ang tiwala ng mga ito."Okay," matapos suriin ang sugat sa ulo niya, tinanggal na rin ng doctor ang tahi. "Matatakpan naman ng buhok ang peklat, hindi na iyan mahahalata.""Okay lang po, Doc." Na-appreciate niya a
Last Updated : 2025-09-02 Read more