Tumunog ang cellphone ni Yelena habang kinaladkad siya ni Argus palabas ng main hall. Hindi niya iyon makapa. Sa pagkagitla niya'y ang lalaki ang dumukot sa phone sa loob ng kaniyang jacket at walang pag-aatubiling binuksan nito ang chatbox."Yena, hindi ako makakarating, magpasundo ka na lang sa driver ko pauwi. Yena, hindi ka naman pinapahiya diyan ng pamilya mo, di ba?" Binasa ni Argus ang chats saka tumawa ng mapakla. "Walang kwentang asawa," komento nitong ibabato sana ang cellphone."Teka, cellphone ko iyan!" pigil niya sa lalaki. "Alam ko namang hindi siya darating.""At tinawagan mo pa rin? Hindi ba alam ng lalaking iyon kung ano'ng ginagawa sa iyo ni Eleanor kung pupunta ka rito nang hindi siya kasama?""Alam niya." "Sir Argus!" Boses ni Mang Mario na humahabol sa kanila. "Pinababalik po roon si Ms. Yelena.""Sabihin mo roon, subukan nilang pakialam muli si Yelena, itatapon ko sa mga pating si Riou para maging agahan. Sa household ko naka-register si Yelena, ako ang may kara
Last Updated : 2025-09-19 Read more