"Nagkamali kayo! Wala akong alam sa nangyaring car accident. Ngayon lang ako pumunta rito sa Pagoda!" tarantang sigaw ni Nova. "Pero ikaw ang itinuro ng salarin na nahuli namin habang tumatakas mula sa crime scene," sabi ng police. "Isa pa, may mga katibayan kami bago nagpunta rito.""Mom, wala po talaga akong kinalaman sa-"Lumagapak ang mukha ni Nova dahil sa sampal ni Mommy Corie. "Kahit saang lugar na lang! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Sumama ka na sa mga police, kung talagang wala kang kasalanan patunayan mo!""Yelena, alam mo ang totoo, bakit mo ako pinagbibintangan!"Napailing si Yelena. "So, ano'ng ibig mong sabihin, I fabricated the evidence and the CCTv footage? Doon ka magtanong sa suspek, kung bakit ikaw ang itinuro niya at kung paano ka niya nakilala kung hindi naman pala kayo nag-uusap.""Wait, may sasabihin lang ako!" sabat ni Vettyna. "Huwag ka nang makialam!" asik ni Martha. Pero hindi nagpapigil si Vettyna at lumapit ito kay Nathasia, may ibinulong. Nan
Read more