“Hindi na ako parte ng personal mong laban, Adrian… so don’t drag me into your chaos.”Hindi ko alam kung mas malamig ba ang boses ko o ang tingin ko sa kanya habang sinasabi ko iyon. Nakaharap ako sa floor to ceiling window ng opisina ko, nakikita ang lungsod sa ibaba na parang walang pakialam sa gulo sa loob ng mundong ginagalawan namin.Pero ramdam ko siya sa likod ko.Hindi siya nagsasalita agad.Hindi siya umaalis.At mas nakakairita iyon kaysa sa kahit anong insulto na kaya niyang ibato.“Hindi kita dinadrag,” mababa niyang sagot, pero may diin. “Ikaw ang nandito.”Napapikit ako sandali. Of course. Typical Adrian. Laging may twist ang sagot, laging may paraan para ibalik sa akin ang sisi.Huminga ako nang malalim bago humarap.“Really? Kasi last time I checked, ikaw ang nagdala ng gulo na ‘to sa board,” diretso kong sabi. “At ngayon… ako na ang ginagawang target.”Bahagya siyang ngumisi, pero hindi iyon yung usual na confident smirk niya. May halong inis, may halong pagod.“Hind
Magbasa pa