“Anong ibig mong sabihin na may bumibili ng shares natin nang walang pangalan?”Diretso ang tingin ko kay Marco, head ng finance team, habang nakatayo siya sa harap ng mahaba at makintab na conference table. Hindi siya agad sumagot. Hindi dahil wala siyang sagot, kundi dahil pinipili niya kung paano niya ihahain sa akin ang problema.At ayokong marinig kung ano man ‘yon.“Sir, the purchases started small,” maingat niyang sabi. “Pero within three weeks, nag-accumulate na siya ng significant percentage. Hindi siya random. Calculated.”Tumawa ako nang bahagya. Hindi amused. Hindi rin galit. Parang may gustong patunayan.“Foreign investor lang ‘yan,” sabi ko, sabay sandig sa upuan ko. “May expansion tayo. Expected na may papasok.”Pero kahit ako, hindi kumbinsido sa sarili kong sinabi.Dahil hindi ganito gumalaw ang typical na investor.Too quiet.Too precise.Too… personal.“Sir,” singit ni Stefanie mula sa kabilang side ng mesa, calm ang boses niya pero matalim ang dating, “hindi po nor
Read more