“COME on, I will give you ten seconds to run; otherwise, I will shoot you here.” Napangisi si Christopher sa mga sinabi ni Adam, wari’y hinahamon niya kung gaano kalakas ang loob nito na barilin siya nang harap-harapan. “Go on, shoot me.” Humakbang si Christopher papalapit kay Adam. Nakadipa ang kaniyang mga kamay habang papalapit siya sa kinaroroonan nito, sinusukat niya ang tapang nito kung hanggang saan. “Shoot me, otherwise I will be the one to kill you.” Isang putok ang pinakawalan ni Adam, ngunit mabilis na nakaiwas si Christopher. Nagpagulong-gulong siya sa semento at nagkubli sa mga poste. Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Adam. Binunot ni Christopher ang kaniyang baril na nakasukbit sa beywang, gumanti siya ng putok, ngunit sablay ang unang balang pinakawalan niya at mabilis na nakaiwas si Adam. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Sumilip si Christopher sa kabilang poste kung saan ito nagtatago. Laking gulat niya nang may sumipa sa k
Last Updated : 2025-10-19 Read more