DUMATING ang araw ng libing ni Don Manuel. Katulad ng inaasahan, maraming kilalang tao ang dumating, kabilang na ang mga pulitiko, mga dating kasosyo sa negosyo, mga kaibigan, at ilang kapamilya—kasama na si Cassandra at ang kaniyang Auntie Lucia at Raven. Naging mahigpit ang siguridad sa huling araw ni Don Manuel sa utos ni Aries. Bagamat hayagan sa publiko ang libing ng kaniyang ama, sinigurado ni Aries na walang media ang makakasunod sa pribadong sementeryo kung saan ito ililibing. Sa libing, nagdaos ng maikling misa para kay Don Manuel, kasunod ng pagbasbas sa kaniyang bangkay. Tanging si Aries lamang ang malapit na pamilyang naroon; ang iba ay nasa ibang bansa, at si Hudson naman ay pinili na huwag magpakita sa publiko. Bilang paggalang, binasbasan ni Cassandra ang labi ng kaniyang Ninong at nag-usap ng maiksing dasal para sa kaniyang kaluluwa. Mula sa kaniyang kinatatayuan, tanaw na tanaw ni Hudson ang seremonya para sa kaniyang ama. Napakuyom ang kaniyang mga kamao. Nagpupuy
Last Updated : 2025-10-07 Read more