NAPATIKHIM si Mrs. Lucia sa mga nakita. Hindi niya akalain na lalalim nang ganoon ang pagitan nina Christopher at Cassandra. “Ahem… Chris? Ang sabi ko sa’yo, bantayan mo ang pamangkin ko, hindi ang ligawan,” anang tiyahin, na may pagtaas ng kilay habang palipat-lipat ang tingin kina Cassandra at Christopher. “I never expected this, Tita,” sagot ni Christopher, na may ngiti habang hinahawakan at hinahalikan ang kamay ni Cassandra. “Cassandra?” tanong ni Auntie Lucia, na naghihintay ng paliwanag. “Auntie, hindi na ako bata. May karapatan na akong magdesisyon para sa sarili ko,” tugon ni Cassandra. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na, at hindi ko naman kayo mapipigilan sa nararamdaman ninyo,” wika ni Auntie Lucia, na napailing at napaismid. “Huwag kang mag-alala, Tita, aalagaan ko si Cassandra. Kahit matigas ang ulo niya, mamahalin ko pa rin siya,” biro ni Christopher. “Hoy! Mr. Bodyguard, for your information…” Napahinto si Cassandra nang halikan siya ni Christopher sa la
Last Updated : 2025-10-03 Read more