NAPAMAANG si Hudson sa sinabi ng kanyang Papa. Hindi niya kayang gawin iyon kay Althea, at isa pa, anak ng General si Althea. Oras na galawin niya si Althea, paniguradong sa kangkungan ang bagsak niya, at hindi niya hahayaang mangyari iyon. "Are you crazy? Hindi ko magagawa kay Althea ang gusto mo, Papa." "Do it, I command you! Wala nang pakinabang ang Althea na 'yon sa buhay natin. Don't you tell me that you are in love with that woman?" Napatawa ng mahina si Don Manuel, nagsalin ng alak sa baso, at tinungga ang laman nito. Napabuga sa hangin si Hudson. Tumingin lamang siya sa kanyang ama at bahagyang nag-isip kung susundin niya ang utos ng kanyang Papa. SUNOD-SUNOD na katok sa pinto ng kanyang condominium ang narinig ni Althea. Iniwan niya ang niluluto upang buksan ang pinto. Marahil, dumating na ang pizza na inorder niya, sabi niya sa sarili. "A minute." Excited niyang binuksan ang pinto ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Hudson sa kanyang harapan, na may
Last Updated : 2025-09-23 Read more