PILIT man ikubli ni Christopher ang nangyari kay Hudson, hindi na niya maitatago pa dahil lantad na sa publiko ang nangyari sa kaniya. Si Cassandra, na labis na nasaktan sa nangyari kay Hudson, ay pilit na kinakalimutan ang masamang bangungot ng kaniyang buhay. Ibinaling niya ang kaniyang sarili sa pagiging isang ina ni Owen at mabuting asawa kay Christopher. Gustuhin man niyang ibalik ang buhay ni Hudson at ng kaniyang ninong Manuel, ay wala na siyang magagawa; siguro nga ay may hangganan ang lahat. Hindi naging maganda ang pagkawala ni Hudson, sa kabila nito ay umaasa siya na sa kabilang buhay ay magkakaroon ng katahimikan si Hudson. Naging abala siya sa pag-aasikaso ng birthday party ni Owen, kaliwa’t kanan ang kausap sa telepono upang i-finalize ang lahat na kakailanganin sa birthday party ng anak. Ngunit, hindi si Christopher, kahit lantaran na sa publiko ang nangyaring pagkamatay ni Hudson at ang publiko ay labis na nahabag sa sinapit nito, ay hindi pa rin siya mapakali; m
Huling Na-update : 2025-10-15 Magbasa pa