Leander’s POVAKMANG pipikit ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Good news, Sir!” biglang sabi ni Aldrin.Napamulat ako. “About Gwen?” Tumango siya. “Opo. P-pero m-may bad news po.”“What?”“S-si Miguel Estrella po talaga ang kasama niya.”“Fvck!”“Where is she now?”“Hindi pa po ako binabalikan, e. Pero kapag nakuha ko na po ang kinaroroonan ni Ma’am, ibabalita ko agad sa ‘yo.” Tumango ako kay Aldrin.Muli akong napapikit. Ilang araw ko nang hinahanap si Gwen. Hindi ko mantindihan kung bakit pati numero niya, hindi ko makontak. Sabi ni Nanay, kakaiba ang mga kilos ni Gwen nang gabing iyon. Hindi naman biglang yayakap si Gwen sa kanya at magsasabi ng ganoon. Ang dating sa kanya, parang namamaalam.Dahil ba sa nakita niya? Dahil kay Livia?Ang inaalala ko, baka nakakaalala na talaga siya, kaya ayaw na niya akong makita. Minsan, pinapanalangin ko na hindi siya nakakaalala dahil alam kong magagalit siya sa akin ng sobra. Pero may explanation naman ako, e. Kung papakinggan niy
Huling Na-update : 2026-01-25 Magbasa pa