Share

TBIFTL—Chapter 45

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2026-01-02 21:22:36
Gwen’s POV

WALA kaming nagawa ni Coach kung hindi ang papasukin na lang si Livia. Sa akin ang tingin niya kaya alam kong may ideya na siya kung sino ako.

“I already met the rest of your team outside.” Sinasabayan niya ng kamay niya hanggang sa ituro niya ako. “You’re Blaze, right?”

Tumingin muna ako kay Coach. May signal siya kaya sumagot. “Yes. And you are?” kunwa’y tanong ko.

“Henza.” Sabay lahad niya ng kamay sa akin. “I’m really eager to meet you, Blaze. I’ve heard so many things about you.”

Talagang eager, huh? Kasi gusto niyang hanapan ako ng butas para sa dirty tricks niya?

Ngumiti lang ako sa kanya.

Sa tingin ko, umiikot na ang mga ideya sa isipan niya kung paano kami matatalo ngayon. I know, eager din siyang makapasok sa 24-hour racing cup.

“How can we help you, Miss Henza?” hindi na nakatiis na tanong ni Coach.

“I’m actually here for Blaze.” Ngumiti pa siya pero halata naman ang pagkadisgusto, na hindi nakaligtas sa aking paningin. “My fiancé’s always talking about how good
AVA NAH

Nahirapan ako sa scene na ito. Dapat kagabi pa ito, e. Kaloka. nanood pa ako ng mga car racing. Last na to, Gwen, dahil hindi ako marunong mag-drive HAHAHAH Pero yari ka pala, Leander... HAHAHA Arayyyyy ko! Anyway, happy new year, folks!

| 23
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Jheng Zurikutoji B
sino ka talaga Henza? totoo bang fiancée ka ni Leander?? goodluck talaga sa'yo Babu, goodbye Amore na talaga nyan... ahhahaha
goodnovel comment avatar
joime
Leander kumusta ka after mo nakita c Gwen? hahaha
goodnovel comment avatar
Iz Ah
byyeeee Leander.... more update po Miss A... Happy New Year
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 64

    Gwen’s POVNATIGILAN ako sa paghakbang pababa nang makita si Leander. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya kinabahan ako. Nagmadali akong tinungo ang medyo malayo sa mga bisita nang makababa. Sa mga tingin niya, mukhang kokomprontahin niya ako. Nakasunod lang sa akin si Miguel noon.He’s here! Sigurado akong narinig niya ang announcement ni Daddy kaya ganyan siya makatingin sa akin. Nabigla din ako sa inanunsyo niya pero hindi ito ang tamang lugar pag-usapan ang kasal namin ni Miguel. At mas lalong hind ito ang tamang lugar para kumprontahin si Daddy.Naramdaman ko ang paghawak ni Miguel sa kamay ko, kasunod niyon ang pagsiklop niya. Binabawi ko dahil sa mga tingin ni Leander pero hinigpitan ni Miguel.“Let go of Gwen’s hand,” mariing utos ni Leander nang harangan niya ang dadaanan namin.“Excuse me?” Si Miguel.“I won’t repeat myself. Do it now.”“Bakit ko naman gagawin iyon, Mr?!”Natawa nang mapakla si Leander. Napahawak din siya sa tungki ng ilong niya kaya alam kong hindi

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 63

    Leander’s POVAKMANG pipikit ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Good news, Sir!” biglang sabi ni Aldrin.Napamulat ako. “About Gwen?” Tumango siya. “Opo. P-pero m-may bad news po.”“What?”“S-si Miguel Estrella po talaga ang kasama niya.”“Fvck!”“Where is she now?”“Hindi pa po ako binabalikan, e. Pero kapag nakuha ko na po ang kinaroroonan ni Ma’am, ibabalita ko agad sa ‘yo.” Tumango ako kay Aldrin.Muli akong napapikit. Ilang araw ko nang hinahanap si Gwen. Hindi ko mantindihan kung bakit pati numero niya, hindi ko makontak. Sabi ni Nanay, kakaiba ang mga kilos ni Gwen nang gabing iyon. Hindi naman biglang yayakap si Gwen sa kanya at magsasabi ng ganoon. Ang dating sa kanya, parang namamaalam.Dahil ba sa nakita niya? Dahil kay Livia?Ang inaalala ko, baka nakakaalala na talaga siya, kaya ayaw na niya akong makita. Minsan, pinapanalangin ko na hindi siya nakakaalala dahil alam kong magagalit siya sa akin ng sobra. Pero may explanation naman ako, e. Kung papakinggan niy

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 62

    Gwen’s POV“MANANG, pakiinit ng pagkain. Kakain na yata si Gwen.” “Yes, Sir.”“Hindi pa ako nagugutom, Dad.” Dumeretso ako sa ref para kumuha lang ng mineral water.“Ilang araw ka nang ganyan, Gwennyth. Ano ba ‘yan?” Pabagsak pa niyang nilapag ang newspaper na hawak.“Wala lang po akong gana.”Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya.“Ilang araw nang pabalik-balik si Leander sa bahay. Nag-away ba kayo?” Natigilan ako. Ilang araw na kaming nandito sa hacienda na pag-aari ni Miguel. Dito niya ako dinala after kong umalis sa bahay ng mga Madrid. Halos kararating lang din ni Daddy. Hindi rin nakatiis si Miguel, umamin siya kay Daddy na kasama niya ako rito.“Hindi na matutuloy ang kasa, Dad.”“What?! Bakit?”“Hindi ko na siya mahal,” mabilis kong sagot.“Huh? Ganoon kabilis?” Kunot ang noo ni Daddy.“Oo. Na-realize kong hindi pala kami bagay.”“Dahil sa sinabi ko?”“Maybe?”“Gwen, seryoso ka ba?”Napaikot ako ng mata. “Tingin niyo po ba?” Lumagok ako at naupo saka humarap sa

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 61

    Gwen's POVKINAPA ko ang dibdib ko bago humakbang palayo sa pintuang iyon. Hindi ko marinig ang boses nila Leander kaya naipagpasalamat ko. Maging si Tatay, wala rin. Hindi ko na naman alam kung paano magpaalam kaya mas mabuti talaga. Kay Nanay nga, kinuntsaba ko pa si Miguel at sinabing tawagan ako. Kaya heto, nakapag-alam ako at sinabi kong may urgent sa bahayNagmamadali akong bumaba noon para makaiwas kay Leander at Livia, pero natigilan din ako nang marinig ang boses ni Livia. Nagmumula iyon sa kusina. Napatingin din tuloy ako dala ng kuryusidad. Pero hindi lang ito, namalayan ko na lang na palapit ako sa kusina. Bahagya pa akong sumilip para makita ang ginagawa nila.Nakatalikod si Leander sa akin pero si Livia, kita ko mula sa kinatatayuan ko.l dahil nakaharap siya sa binata. Kumapit si Livia sa leeg ng binata kaya parang magkadikit na ang mukha nila kapag nasa kinatatayuan ko ang tingin.“I never imagined I’d see you again after our little moment in New York, much less have

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 60

    Gwen’s POVNATIGILAN ako sa pagtawa nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Tatay, agad kong sinagot iyon.“Anak, pwede ka bang makausap ngayon? Nandito ako sa bahay,” aniya.At first, nag-hesitant ako na sumagot, pero kalaunan, pumayag din ako dahil saglit lang naman. Wala naman siguro doon si Leander at Livia.Hindi ko matanaw ang sasakyan ni Aldrin kaya tumingin ako kay Miguel.“Busy ka ba?”“Hindi naman. Tapos na ang errands ko kanina pa kaya huminto talaga ako.”Tumango ako. “Pwede mo ba akong samahan?”“Sure!” Mabuti na lang at nandoon si Miguel. May maghahatid sa akin papunta sa bahay ng mga Madrid. Wala naman kasi akong sasakyan nang pumunta rito dahil kasama ko nga si Leander.“Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako rito?” ani ko nang huminto ang sasakyan niya sa labas. “Sandali lang naman siguro ako.”“Sige. Dito lang ako, Gwen.”Napalabi ako. “Thanks.”Mukhang alam ko na ang pag-uusapan namin ni Tatay— ang tungkol kay Livia at Leander. Magtatanong

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 59

    Gwen’s POV “NEED company?” Napaangat ako nang tingin nang marinig iyon. Pamilyar din sa akin ang boses niya. “M-Miguel,” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo rito?” Luminga pa ako para hanapin si Aldrin. Hindi ko siya makita. Pagkagaling na pagkagaling sa restaurant, dumaan ako rito sa malaking simbahan at pagkatapos na magdasal ay lumabas ako at naupo sa may bench. Hindi ko akalain na makikita rito si Miguel. “Napadaan lang,” aniyang nakangiti. “Hindi, nakita kita. Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga,” bawi niya kapagkuwan. “Kaya pala.” Tumango-tango din ako. “Kumusta ka na nga pala?” “Ito, busy-busyhan.” “Busy ka pala tapos huminto ka rito?” “Eh, nakita kita, e. Gusto ko lang bumati.” “Ganoon?” “Oo.” Tumawa pa siya. “Para ka kasing binagsakan ng langit dito kaya tumigil ako.” Natawa ako pero bigla ring napalis. “Ganoon? Halata ba?” Tumango ang binata. Nagbaba rin ako nang tingin sa paa. “May nang-away ba sa ‘yo? Sabihin mo lang.” Tumatawa siya nito

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status