Share

TBIFTL—Chapter 40

Penulis: AVA NAH
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-10 06:56:20
Gwen’s POV

MAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.

Siya ba talaga ang ama ko?

Medyo hawig ang mata namin pati ang kilay, the rest, sa Mommy ko na, e.

Napasandal ako sa headrest ng kama saka muling tinitigan ang litrato. May excitement naman akong nararamdaman kahit na lukso ng dugo, pero parang hindi ako masaya na makita siya.

Oras na magkita kami, sigurado akong maraming magbabago sa amin ni Leander. Una sa lahat, baka kunin na ako ng ama ko base sa pagkakasabi ni Fajardo na pinapahanap niya rin ako.

Sasama naman talaga ako sa kanya kung sakali. Pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Baka sakaling maging busy ako at makalimutan si Leander. Kaya nga dapat magpasa na ako ng resignation. Saka pwede naman akong pumasok sa iba para tuluyang makaiwas kay Leander.

Napatingin ako sa
AVA NAH

ayyyyy

| 22
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Analiza Vergara Satinitigan
update po please
goodnovel comment avatar
Cherge Mata
dapat nag kwentuhan kay ni tatay Ian mo, nagkahiwalay sila dahil nag lihim ang tatay mo sa pagka tao niya
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
update na po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 40

    Gwen’s POVMAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.Siya ba talaga ang ama ko?Medyo hawig ang mata namin pati ang kilay, the rest, sa Mommy ko na, e. Napasandal ako sa headrest ng kama saka muling tinitigan ang litrato. May excitement naman akong nararamdaman kahit na lukso ng dugo, pero parang hindi ako masaya na makita siya.Oras na magkita kami, sigurado akong maraming magbabago sa amin ni Leander. Una sa lahat, baka kunin na ako ng ama ko base sa pagkakasabi ni Fajardo na pinapahanap niya rin ako. Sasama naman talaga ako sa kanya kung sakali. Pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Baka sakaling maging busy ako at makalimutan si Leander. Kaya nga dapat magpasa na ako ng resignation. Saka pwede naman akong pumasok sa iba para tuluyang makaiwas kay Leander.Napatingin ako sa

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 39

    Gwen’s POVNAGPAHINGA ako sa practice dahil sa aksidente na iyon. Saka naka-schedule ang alis namin papuntang Dubai para sa 3-day rehearsal sa mismong circuit na paggaganapan kaya sabi ni Coach, doon na lang daw ako bumawi.Kahit na masama ang pakiramdam, pumasok pa rin ako noong araw na iyon. Hinatid ko pa si Bastian dahil wala siyang driver. Hindi rin siya makapag-drive dahil sa coding siya. Ayaw naman niyang makialam sa sasakyan ni Leander dahil madalas silang nag-aaway pagdating sa bagay na ‘yan, kaya naman hinatid ko na lang siya.Wala rin si Aldrin dahil biglang umalis para sumunod kay Leander. Hindi naman nila nabanggit ang dahilan sa akin.Maaga pa naman kaya saglit akong nag-stay sasakyan ko. Maaga akong gumising talaga para ihatid si Bastian kaya talagang maaga akong makakapasok ngayon.Nag-scroll lang akong video sa social media noon nang may kumatok sa sasakyan ko. Tumingin ako sa labas. Napalunok ako bigla nang makita si Fajardo sa labas. “A-anong kailangan mo?”“Wala ako

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 38

    Gwen’s POVHINANAP ko ang cellphone ko nang maalalang hindi ko na-text si Leander simula nang pumasok ako. Sigurado akong maraming call at text na naman siya. Sa loob ng isang linggo, ganoon siya. Madalas gusto niya akong kausap. Kahit nga na may duty ako, talagang tumatawag. Kaya nag-aalala akong magalit siya. Dalawang text at call lang ang meron si Leander nang buksan ko. Himala. Pero okay na ‘yon kaysa tadtarin niya ang cellphone ko.May practice kami ngayon kaya nagpaalam ako kay Leander na pupunta ng circuit sa pamamagitan ng text. Alam naman niyang tauhan ako ni Blaze.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ni Aldrin sa akin.“Sa circuit,” sagot ko naman.“Ho? Alam po ni Sir?”“Nag-text na ako, hindi pa nag-reply. Baka busy lang o tulog pa.”“Sige po.”Hanggang sa labas lang naman si Aldrin sa circuit maghihintay sa akin. Nawala sa isipan ko na nandoon si Cyrus kaya hindi ko siya napansin nang pumasok ako sa circuit, mabuti na lang at lumapit siya sa akin. “I’m glad nakarating ka ngayo

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 37

    Leander’s POVVerona, Italy…TINANGGAL ko ang suot kong black aviators nang makalabas ng sasakyan. Kita ko agad ang mga tauhan na naghihintay sa akin, maging ang mga kasambahay ng malaking bahay na iyon. Bakas man ang kalumaan pero mas bakas kung gaano iyon katatag gaya na lang samahang nabuo rito sa Italy.“È un onore rivederla, Il Giovane Don,” ani sa akin ng sumalubong na matanda. Ang ibig niyang sabihin ay ikinagagalak niyang makita akong muli. Matagal na siyang naninilbihan si Tirso sa amin. Ang pamilya nila ang isa sa pinaka-loyal sa mga Madrid. Mula pa sa great-grandfather ko, ganyan na sila hanggang sa mamuno si Don Sebastian, ang ama ni Tatay.“L’onore è mio,” sagot ko rin. Kaseryosohan lamang ang makikita sa mukha ko nang sumunod sa kanya. Ini-expect ko nang maraming sasalubong sa akin kaya hindi muna ako nagpahinga sa kwarto ko. Ganoon si Tatay kapag bagong dating noon, lahat kakausapin para sa update. Kapag nandito ako tapos wala si Tatay, sa akin sila pwedeng mag-report.

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 36

    Leander’s POV“ANDAMI naman niyan, Amore,” ani ko nang makita ang pasalubong ni Gwen sa mga katrabaho niya.Right after naming pumunta sa bahay nila dumaan kami sa isang store na nagbebenta ng mga souveneir. Si Gwen lang ang bumaba dahil baka nga may makakita sa amin. Pero hindi ko akalaing marami siyang bibilhin. Lahat ba ng kasamahan niya, bibigyan niya?“Dumami lang dahil sa shirts at mugs.”“I can see that.” May pinasok ang sumundo sa kanya sa kabilang sasakyan na dalawang malaking plastic. “Pero hindi ba sobrang dami?”“Kulang pa nga, e. Pero dahil kailangan na nating bumalik, next time na lang.” Inayos niya ang upo niya sa tabi ko kapagkuwan at tiningnan ang mga pinagbayaran. “Let me cover that for you.” Akmang kukunin ko ang hawak niyang papel na resibo ng pinagbayaran nang itago niya sa kabilang gilid niya.“No! Pasalubong ko ‘to sa mga katrabaho ko kaya pera ko ang gagastusin.”“C’mon. Ako ang lalaki-”“Please, Leander? Kaya ko naman. Saka magkano lang ‘to, o.”Saglit ko siya

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 35

    Gwen’s POV“SAAN ang punta natin?” tanong ko kay Leander pagkasakay namin ng sasakyan.“Out for lunch,” nakangiting sagot niya sa akin.Nanlaki ang mata ko. “B-bakit sa labas pa? Pwede naman dito, a! Paano kung may makakita sa atin?”“Don’t worry, tayo lang ang tao doon.”“Oh. Nag-rent ka naman?”Ngumiti lang siya sa akin bago pinasibad ang sasakyan. Habang nasa biyahe, binuksan ko ang bintana ng sasakyan. Gusto kong maramdaman ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon. Ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking balat pero ayos lang. Nakaka-miss ang ganitong klima.Noong bata ako, hinahanap-hanap ko ang ganitong klima. Isa pala sa dahilan, dito kami naglagi noon ni Mommy. Siyempre, bata pa ako kaya hindi ko matandaan kung nasaan ba kami. Ang alam ko lang, klima.“Hey. Ang seryoso mo, Amore,” untag niya sa akin. “Anong iniisip mo?”“Wala, naalala ko lang ang kabataan ko.” Bahagya ko siyang hinarap. “Alam mo bang sa Baguio kami nag-stay ng matagal ni Mommy bago ako mapunta sa inyo.”“Rea

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status