Pagkasabi ni Leandro na mag-stay kami ngayong gabi, naramdaman ko agad ang bigat sa dibdib ko. Isang gabi lang, Gigi. Bukas uuwi na rin tayo. 'Yon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko habang umiiwas na lang sa titig niya. Nakakainis naman talaga, pero wala naman magagawa ang inis ko dahil hindi talaga kami makakauwi ngayong gabi. Ilang saglit pa ay may nag-doorbell sa suite. Si Leandro na ang nagbukas ng pintuan para roon at pagpasok niya ay may dala na siyang paper bag. "Here's your clothes," sabi niya. Kahit nahihiya ako dahil nag-abala pa siyang bilhan ako ng damit ay tinanggap ko na lang. Wala naman talaga akong choice! Mas nakakahiya naman kung ipangtutulog ko ang damit na suot ko ngayon at ito pa rin ang suot ko pag-uwi namin. "Thanks." Sabi ko. Tahimik lang siya at pumasok na sa kwarto niya. Akala ko ay matutulog na siya pero muli siyang lumabas dala ang laptop niya, at naupo sa dining table. Mukhang magtatrabaho siya kaya sinamantala ko ang pagkakataon para pumasok
Terakhir Diperbarui : 2025-09-05 Baca selengkapnya