"Is that Rafael's car?" tanong ni Leandro nang tuluyan niyang ma-park ang sasakyan niya sa gilid. Napalunok ako at napatango na lang bago tuluyang lumingon sa kaniya para magpasalamat. "Thank you, Sir... I mean, Leandro sa paghatid sa'kin," sabi ko habang pilit na ngumingiti kahit may kung anong kaba sa dibdib ko. Inalis ko ang seatbelt ko at nauna nang bumaba mula sa sasakyan niya. Sumalubong naman agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng gabi, may halong amoy ng aspalto at dahon mula sa malapit na puno. Tahimik ang paligid namin, malibang lang sa mahinang ingay ng mga gulong ng sasakyan na dumaraan paminsan-minsan. Akala ko ay aalis na rin si Leandro, pero agad napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa kabilang side at nakita kong sumunod din pala siyang bumaba. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko habang tinatanaw ang sasakyan ni Rafael na nasa harapan namin. Sa ilaw ng poste, kumislap ang itim na kulay nito at hindi ko na kailangan hulaan pa kung
Last Updated : 2025-09-16 Read more