Uminom ako kaagad ng pain reliever na binigay sa akin ng doctor kaya naman medyo nawala ng kaonti ang kirot sa balakang ko, pero hindi pa ako pwedeng maglakad. Palabas ng hospital ay tulak-tulak ni Leandro ang wheelchair na sinasakyan ko. Hindi ko mapigilang ma-guilty dahil matitigil na naman ako sa trabaho na ayaw ko naman mangyari. Nangako ako sa kaniya na wala pang two days ay ibibigay ko na sa kaniya ang mga designs ko. Nang maipasok niya ako sa sasakyan ay ako na mismo ang nag-ayos ng seatbelt ko dahil nakakagalaw naman na ako nang maayos, at nang makapasok siya ay napatingin ako sa kaniya. Napahugot ako nang malalim na hininga bago magsalita. "Sa bahay ko na lang itutuloy ang trabaho ko. 'Wag kang mag-alala matatapos ko 'yon within two days," sabi ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya at bahgayang napatingin sa akin habang inaayos ang seatbelt niya. Ramdam ko kaagad ang init ng presensya niya sa loob ng kotse,
Last Updated : 2025-09-20 Read more