Natapos ang usapan namin ni Leandro na hindi ko man lang natatanong sa kaniya kung ano ang dahilan ng pagtapos niya sa engagement nila ni Luciana. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa nakapasok kami sa bar. Magm-midnight na pero tuloy pa rin ang kasiyahan ng mga tao rito sa loob. Ang iba ay halatang lasing na, pero tuloy pa rin sa pag-inom, at ang iba naman ay mga nagsasayaw sa dancefloor. Bahagya naman akong nagulat nang mapadaan kami sa isang gilid at nakita kong may naghahalikan do'n. Napailing ako at pilit na umiwas ng tingin dahil ako na ang nahiya para sa kanila. Maingay ang halakhakan sa iba't ibang sulok, sabay sa kalansing ng yelo sa baso at kaluskos ng mga plato sa bar counter. May dalawang waitress na mabilis maglakad, bitbit ang tray na puno ng cocktails, habang sa kabilang banda naman ay may mga taong nagsisiksikan papunta sa dance floor. May nagpa-picture, may sumisigaw ng cheers, may nagbubulungan sa gilid na parang may sariling mundo. "Cheers, Sir Leandro!"
Last Updated : 2025-10-02 Read more