Hindi ko namalayan kung paano kami nakatulog agad ni Leandro, pero nagising ako sa kalagitnaan ng mahimbing namin na tulog. Halos kumalabog ang puso ko dahil ramdam ko ang init ng katawan niya sa balat ko. Parehas kaming walang suot na damit at tanging nagtatakip lang sa mga katawan namin ay ang makapal niyang comforter.Malamig sa buong kwarto, pero hindi ko masyadong ramdam 'yon dahil yakap-yakap ako ni Leandro. Hindi nagbago ang liwanag do'n at dim light pa rin. Napaawang ang labi ko at sinamantala kong mag-angat nang tingin sa kaniya. Mula sa makapal na kilay, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, mapulang labi, at perpektong sukat ng jawline niya ay pinagmasdan ko.Gusto ko pa sana siyang titigan habang mahimbing ang tulog niya, pero muli kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan akong nakatulog ulit.Kinabukasan nang magising ako ay mabigat ang katawan ko. Ramdam ko kaagad ang hapdi sa mga mata ko at pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa tul
Last Updated : 2025-10-07 Read more