Halos hingalin ako sa pagitan ng paghahalikan naming dalawa at bawat halik niya ay ramdam ko kung gaano siya kasabik sa akin kaya pinaramdam ko rin sa kaniya 'yon. Naramdaman kong bumaba ang labi niya sa leeg ko at marahang nag-iiwan ng halik habang mas humihigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang ayaw niya akong pakawalan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng hininga, pero hindi ko na maisip na mahalaga pa 'yon. Ang mahalaga sa akin siya, si Leandro. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na dahan-dahang dumudulas sa balat ko, at kasabay nito ang pag-ikot ng init na nararamdaman ko. Halos mapasinghap naman ako dahil sa isang mabilis na galaw niya lang ay natanggal na niya ang suot kong damit. Napakagat ako sa labi ko at mabilis na napapikit sa kahihiyan dahil wala naman akong suot na bra. "Damn..." mahinang mura niya na halos pabulong habang nakasubsob sa leeg ko at ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. "I missed this... I missed you," dagdag pa niy
Last Updated : 2025-10-11 Read more