Chapter 17 – One Night, One Secret Pagkatapos ng mahabang araw sa bayan at sa beach, lahat ay sobrang pagod na. Maaga silang natulog… well, halos lahat. Si Celine, hindi pa rin mapakali. Nakaupo siya sa kama, hawak ang phone, nagso-scroll sa pictures ng outing nila. Halos lahat, puro candid shots. At sa bawat litrato na may kasama siyang si Liam, may isang bagay na hindi niya ma-explain. Parang may tension na hindi lang siya ang nakakaramdam. Ano ba ‘to? Crush ba talaga ‘to? Or something deeper? Napailing siya at bumuntong-hininga. “Nakakabaliw na,” bulong niya. Nagpasya siyang pumunta sa veranda para uminom ng malamig na tubig. Tahimik ang buong villa, maliban sa tunog ng mga alon sa labas. Pagbukas niya ng pinto, halos mapatalon siya—dahil may nakaupo na doon. Si Liam. Naka-white shirt lang ito at sweatpants, basang buhok, halatang bagong ligo. At dahil sa ilaw ng buwan, parang mas lalo itong… well, gwapo. “Can’t sleep?” tanong nito, hindi inaalis ang tingin sa dagat. Nagul
Last Updated : 2025-09-04 Read more