“ILALAYO NA KITA SA KANYA NGAYON.”Napayakap si Czarina sa kuya niya at lalo itong umiyak. Inalo naman siya ni Carlo at pilit na pinapakalma habang nagmamasid sa paligid.“Let’s get out of here,” bulong ni Carlo. “In seconds, mahahanap ka na ni Damion. We need to move fast.”Sumunod si Czarina kay Carlo papuntang emergency exit at mabilis na narating ang parking lot.“Sorry, Kuya! Natagalan ako.”Kahit nasa loob na ng sasakyan, walang tigil pa rin si Czarina sa pag-iyak.“My sister is really capable,” natatawang sabi ni Carlo habang ginugulo ang buhok ni Czarina. “Nagawa mong tanggalin ang mga bodyguards ni Damion.”Huminga nang malalim si Czarina, pilit na pinipigilan ang pag-iyak, pero patuloy pa rin ang panginginig ng dibdib niya.“Anong capable…” singhap niya, pinunasan ang luha. “Kung hindi dahil kay Wendy, wala akong magagawa.”Ngumiti si Carlo, halatang proud pa rin. “Still,” sabi niya. “Hindi biro ’yon. Damion is not someone who lets his guard down easily.”Napaangat ang ulo ni
더 보기