AKALA NI CZARINA, noong una ay walang silbi ang paglipat niya sa warehouse, pero mali pala siya. Doon kasi dumadaan ang iba’t ibang department para kumuha ng supplies, kaya habang nagtatrabaho siya, marami siyang naririnig na tsismis at impormasyon tungkol sa kumpanya.Tahimik niyang iniipon sa isip ang lahat ng detalye, kaya hindi na rin siya nagmamadaling bumalik sa tabi ni Damion.Habang nag-i-input siya ng product codes isang araw, bigla niyang narinig ang tunog ng paparating na high heels.Pag-angat niya ng tingin, nakita niya si Kathy.“Kathy,” bati niya nang may ngiti. “Anong ginagawa mo rito?”“Office supplies,” sagot nito sabay abot ng application forms. “These are the requests.”“Oh, sandali lang.”Kinuha ni Czarina ang forms at agad inayos ang mga kailangan.Habang abala siya, kaswal na nagtanong si Kathy, “Nakaka-adjust ka naman dito?”“It’s good,” sagot ni Czarina. “Simple lang ang trabaho. Hindi katulad dati na parang lahat hawak mo.”Napangiti si Kathy. “Mas madaling mak
閱讀更多