HINDI NA TINANONG ni Czarina si Wendy na magsalita tungkol sa mga bagay na ayaw nitong balikan. Sa halip, inilabas niya ang dalawang bento box na ipinahanda niya sa tiyuhin niya.Tuwang-tuwa naman si Wendy at halos maubos agad ang laman ng mga iyon.Pagkaalis ni Czarina, gusto sana agad magpasalamat ni Wendy, pero natakot siyang makaabala. Kaya makalipas pa ang dalawang araw bago siya muling pumunta sa Marquez Group.Pero bago pa niya makita si Czarina, nasalubong na niya agad si Damion sa lobby.Tipid siyang tumango bilang pagbati, pero agad siyang tinanong ni Damion. “What brings you here?”“Definitely not for you,” diretsahang sagot ni Wendy.Bahagyang tinaas ni Damion ang kilay. “Looking for Meredith?”Gusto sanang umamin ni Wendy, pero naalala niya kung paano tratuhin ni Damion si Czarina. “Why should I tell you?” malamig niyang sagot.Napangisi si Damion. “So kapag hindi mo mahanap si Zari, sa kamukha niya ka na lang kumakapit?”Napairap si Wendy. Kung makapagsalita ka, akala mo
閱讀更多