Se connecterthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“HMPH. YOU SEEM TO CARE ABOUT HER A LOT.”Agad na itinaas ni Czarina ang cake box na hawak niya. “Hindi naman sa gano’n. Naawa lang Tito ko no’ng nalaman niyang naospital si Wendy, so pinapadala niya ’to.”Napatingin si Damion sa cake box bago muling tumingin sa kanya.“I didn’t expect your Tito to be that kind-hearted.”“Of course.” Bahagyang ngumiti si Czarina. “He’s a really good person.”Sa isang iglap, may bahagyang mapanuyang ngiti na dumaan sa labi ni Damion. Mabilis lang iyon at halos hindi niya sigurado kung nakita ba talaga niya.Pero nang muli itong nagsalita, bumalik na naman ang malamig nitong expression.“I was about to visit Wendy too,” walang emosyon nitong sabi. “Let’s go together.”Biglang nanikip ang dibdib ni Czarina. “…Ah?”Bahagyang tinaasan siya ng kilay ni Damion. “What? Ikaw lang ba puwedeng bumisita sa kaniya; ako, hindi?”“Of course hindi ’yon ang ibig kong sabihin, it’s just…”Napapikit si Czarina. “Seriously, bakit ba lagi na lang kitang nakakasabay? Isang
“...DO YOU WANT ME TO PUNISH YOU?”Hindi na muling gumalaw si Czarina.Tahimik lang siyang nakaupo habang pinapanood si Damion na kumuha ng cotton swab na may iodine.Mahapdi ang disinfectant sa sugat niya, kaya napakagat siya sa labi, pilit na pinipigilang mapangiwi o makagawa ng tunog sa harap nito.Pero habang tumatagal, napansin niyang unti-unting gumagaan ang galaw ni Damion. Mas maingat. Mas… banayad.At nang marahang hipan nito ang sugat sa talampakan niya para mabawasan ang hapdi, biglang nanlamig ang buong katawan ni Czarina.Mabilis niyang ibinaba ang tingin, pilit itinatago ang gulo sa mga mata niya.Pagkatapos gamutin ang sugat, pinakuha ni Damion ang saleslady ng isang pares ng flat shoes. Mas komportable iyon kaysa sa heels, kaya mas madali siyang nakalakad palabas ng store—kahit bahagya pa rin siyang nakapilay.Akala ni Czarina na babalik na sila sa company.Pero habang tumatagal ang biyahe, napansin niyang hindi iyon ang direksyon nila.“President…” nag-aalanganin niya
“DON’T YOU KNOW HOW DANGEROUS IT WAS IN THERE?”Noong mawalan ng kuryente sa loob ng venue, agad siyang hinanap ni Damion. Pero gaano man siya lumingon sa gitna ng dilim at kaguluhan, hindi niya makita si Czarina. At doon lang niya napagtantong… nag-aalala siya.Dahil halatang galit ito, mabilis na yumuko si Czarina.“I’m sorry,” mahinang sabi niya. “Kasalanan ko po. Next time, hindi na ako lalayo sa inyo.”Maayos at sunod-sunuran ang sagot niya—pero imbes na mapakalma si Damion, lalo lang sumama ang timpla nito.Sa labas ng exhibition hall, halos lahat ng tao ay magulo ang hitsura—gusot ang damit, pawisan, at halatang nataranta. Pero si Damion, bukod sa bahagyang magulong buhok, nanatiling maayos at composed, na para bang hindi siya dumaan sa kaguluhan kanina.Samantalang si Czarina… kabaligtaran.Magulo ang buhok niya, gusot ang blouse, at doon lang niya napansing wala na pala siyang heels. Bahagyang kumunot ang noo ni Damion habang tumitig sa paa niya.“Where are your shoes?”Napak
“YOU SOUND LIKE SOMEONE WHO’S EXPERIENCED A CAR ACCIDENT BEFORE.”Biglang kumabog ang dibdib ni Czarina. Mabilis siyang umiwas ng tingin. “No. Never.”“Not even once?”Mahigpit niyang kinuyom ang mga daliri niya bago pilit na ngumiti. “No.”Masyadong mariin ang sagot ni Czarina, kaya tuluyang natahimik si Damion. At kasabay no’n, muling lumamig ang atmosphere sa loob ng sasakyan.Tahimik na napayakap si Czarina sa sarili habang nakatingin sa bintana. Hindi niya alam kung ano na naman ang nagawa niyang mali.“Kanina lang okay siya ah…” reklamo niya sa isip. “Ngayon parang gusto na naman akong ibato palabas ng kotse.”Pero higit sa lahat, hindi niya maintindihan si Damion. Minsan sobrang lapit nito. Minsan naman parang wala siyang halaga rito.At kahit malamig na ulit ang trato nito ngayon, hindi naman siya inaalis sa tabi nito. Lalo tuloy siyang naguguluhan.Pero isang bagay ang malinaw kay Czarina—kailangan niyang maging maingat. Kahit isang maling kilos lang, baka tuluyan na siyang m
“...MAS DELIKADO.”Napailing si Fran sa sinabi niya. “Hindi puwedeng puro hula lang, Miss,” seryoso nitong sabi. “Sa laban, kailangang kilala mo ang kalaban mo. Otherwise, mauunahan ka niya.”Napabuntong-hininga si Czarina. “With my current position? Ano bang malalaman ko?” mapait niyang sagot. “Kapag nagkamali ako ng galaw, baka mas lalo lang akong mabuking.”Bahagyang nainis si Fran. “Hindi sana tayo umaabot sa ganito kung naging mas ruthless ka noon. Baka ngayon, kasama mo na ulit ang young master.”“Oh no…” napaungol si Czarina habang tinatakpan ang mukha. “Nag-sorry na po ako, Tito. Pwede bang tigilan n’yo na ’yang sermon na ’yan?”Tumayo siya agad at mabilis na kinuha ang bag niya. “Late na ’ko. Aalis na ’ko.”Halos tumakas na siya palabas ng apartment, dahilan para mapailing na lang si Fran habang pinagmamasdan ang likod niya.PAGDATING NI CZARINA sa company, saktong bumukas ang elevator.Mabilis siyang naglakad palapit habang maingay ang suot niyang heels sa marmol na sahig. P
“...WAKE UP ALREADY.”Mahigpit pa ring hawak ni Czarina ang kamay ni Wendy habang tuloy-tuloy siyang nagkukuwento tungkol sa masasaya nilang alaala noon.Mga simpleng bagay lang—mga tawanan, kalokohan, pagkain sa tabi ng kalsada, late-night chika.Pero kapag naaalala mo pagkalipas ng maraming taon, iyon pala ’yong mga alaalang pinakamainit sa puso.Unti-unting kumalma si Czarina habang nagsasalita.At maya-maya… tila may bahagyang gumalaw sa kamay na hawak niya.Napatigil siya. Akala niya, guni-guni lang. Pero ilang segundo lang ang lumipas, muli niyang naramdaman ang mahinang paggalaw ng mga daliri ni Wendy.Biglang nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang yumuko palapit dito.“Wenwen…” nanginginig niyang bulong. “Naririnig mo ’ko, ’di ba?”Mas humigpit ang hawak niya rito. “Please… gumising ka na.”Basag ang boses niya habang pilit na ngumingiti. “Hindi pa tayo tapos kumain sa buong mundo. Hindi pa tayo nakakapag-travel together.”Napaluha siya. “You can’t break your promise to me.
“…I BET HE’D LIVE A MISERABLE LIFE… KNOWING YOU’RE HIS MOTHER.”Bawat salita ay parang kutsilyo ay tumatarak sa dibdib ni Cassidy.Namutla ito, nanginginig, halos matumba. Totoo—may ilang gabi na ring sinusundan siya ng imaheng bata sa panaginip, nakatingin sa kanya na parang nanghuhusga.Nang makit
“GINAWA NA NAMIN ANG LAHAT. THE CHILD… CANNOT BE SAVED. PERO LIGTAS ANG INA.”Pagkarinig niyon, walang bakas ng lungkot sa mukha ni Damion—ni pagsisisi. Sa halip, may bahagyang ginhawa, parang ang pagkawala ng bata ay sagabal lang na natanggal sa pagitan niya at Czarina. Nagalit siya sa sarili sa na
NAKATAYO SI CASSIDY sa balkonahe, tinatanaw ang pag-alis ni Czarina. May ngiti sa kanyang labi—kahit pansamantala, wala na si Czarina. Determinado siyang sulitin ang oras na wala ito para makuha ang pabor ni Alejandro at mapalapit kay Damion.Pero bago pa siya makaisip ng paraan para mapasaya si Ale
“SETH, BOOK US TICKETS BACK TO THE CITY. WE’RE GOING HOME.”Napatigil si Cassidy, nanlaki ang mga mata. Pati si Seth, nagulat.Seeing Cassidy’s obvious disappointment, Seth subtly tried to help her. “Damion, bakit hindi ka na lang mag-stay ng ilang araw? Nag-enjoy pa si Cassy. And since nasa bahay n







