LOGINYour comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~✨🫶🫶🫶
HINATID SILA NI Damion sa isang mamahaling restaurant. Pagdating nila roon, nakahanda na ang pagkain na nauna na pala nitong ipinag-utos bago pa sila sumakay sa sasakyan.“If you feel like it’s not enough, or if you don’t like anything on the table, just order more.” Bahagyang tumingin si Damion sa kanilang dalawa. “Oh, I already prepaid one thousand pesos. That should be enough for the two of you. Kung hindi pa rin sapat, I suggest you go to the hospital and have yourself checked. Maybe you have some kind of illness.”Napakurap si Czarina. Napaka-thoughtful sana ng mga ginawa ni Damion kung hindi lamang niya idinugtong ang huling pangungusap. Mas sincere sana ang pasasalamat nila.“Thank you for your concern, Mr. Marquez,” mahinahong sagot ni Wendy bago pa man makapagsalita si Czarina. “Kakain na ako, so we’ll have to go.”Nag-aalala si Wendy na baka kung ano na naman ang masabi ni Czarina at tuluyang maubos ang pasensya ni Damion. Kaya agad niya itong hinila papasok sa tea restauran
“DO YOU WANT ME TO TAKE CARE OF YOU?”Napalingon silang dalawa. Nakatayo na pala si Damion sa may hagdan, hawak ang bag nito at mukhang narinig nito ang huling sinabi ni Czarina.Napakurap si Czarina.Oops… Pero wala na rin siyang ganang mahiya.Kunot-noo niya itong tiningnan. “Hindi ba maliligo ka? Bakit ang bilis mo namang bumalik?”“Walang tubig.”“Ha?”“May water interruption.” Nagkibit-balikat si Damion. “Uuwi na lang muna ako sa amin para makaligo at mag-ayos.”Nanlumo si Czarina. Walang tubig? Eh ‘di mas lalo kaming walang maluluto!Lalong nadagdagan ang problema niya.Dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa tuluyan nang sumubsob ang mukha sa mesa.“Lord…” mahinang ungol niya. “Bakit parang lahat na lang ng malas sa 'kin napupunta?”Tahimik siyang pinagmasdan ni Damion. Bahagya itong nakaramdam ng konsensiya. Kung tutuusin, siya ang nakaubos ng almusal ni Czarina.Makalipas ang ilang sandali, nagsalita ito. “Mukhang wala rin si Tito Fran.”Tumango si Czarina nang hindi man lang n
“NAGKABALIKAN NA BA KAYO NI DAMION?”Nanlaki ang mga mata ni Czarina. “What? No!”“Oh, eh, bakit nga nandito siya?” Kunot-noong tanong ni Wendy, saka ito naningkit. “Alam mo, Zari, sabihin mo na lang. Pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo.”Napapikit si Czarina saka bumuga ng hangin. “Wala talagang namamagitan sa amin. Siya lang talaga ang nagpumilit na tumira rito.”“Bakit naman?”“Pinapunta siya rito ni Papa Alej para mag-sorry sa ‘kin.” Napangiwi siya. “Eh kilala mo naman si Damion. Siyempre, labag sa loob niya iyon.”Nagkibit-balikat siya. “Kaya ang ginawa niya, dito na lang tumira para asarin ako.”Napahawak si Wendy sa baba habang pinag-iisipan ang paliwanag niya. “Ang explanation mo...”Napangiti si Czarina. “May sense naman, 'di ba?”Tiningnan lang siya ni Wendy bago umismid. “Nonsense.”Alam naman ni Wendy kung bakit. Pero wala siya sa lugar para sabihin iyon. Ang tanging masasabi niya na lang ay talagang ‘tanga’ ang kaibigan niya.Napailing siya.“Eh wala na akong ibang
NANG MAGISING SI CZARINA kinabukasan, napansin niyang nasa hindi pamilyar na lugar siya.Agad siyang napabalikwas sa takot. “Hala! Kinidnap ba ako ni Damion?” kinakabahan niyang saad. “Posibleng mangyari ‘yon! Galit na galit ‘yon matapos ko siyang suntukin kagabi! Nagtatanim pa naman ng sama ng loob ang lalaking iyon!”“Habang tulog ako, dinala niya ako rito… Sandali... Ano’ng balak niyang gawin sa ‘kin?” Nanlamig ang buong katawan ni Czarina. “Ayoko nang isipin!”Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Marahan siyang bumaba ng kama at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Sisilip lang sana siya at tatakas kapag walang tao. Pero paglabas pa lang niya ng pinto, nakita niya si Tito Fran.“Tito Fran!” Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. “Mabuti nandito kayo!” Mabilis siyang lumapit dito. “Kinidnap din ba kayo ni Damion?”Natigilan si Tito Fran, saka napakamot sa batok. “Ha? Anong kinidnap, Miss?” naguguluhang tanong nito. “Nanaginip ba kayo?”“Uh...”Natigilan si Czarina. Mabilis niyang sinilip
“FOUND IT…” mahina niyang bulong.Maingat niyang binasa ng antiseptic ang cotton swab bago dahan-dahang idampi sa hiwa.“Medyo malalim pala ang pagkakahiwa,” sabi niya habang nililinis ang sugat. “Lalagyan ko muna ng antiseptic. Kapag namaga ito bukas, kailangan na nating magpunta sa hospital.”Tahimik lang si Damion. Habang abala si Czarina sa paglalagay ng gamot, palihim itong nakatingin sa mukha niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, agad itong umiwas ng tingin.“You talk too much,” sabi nito sa malamig at bahagyang naiinip na tono.“Para rin naman sa ikabubuti mo,” sagot ni Czarina.
“MEREDITH… YOU THINK YOU’RE SO GREAT?”Nang marinig ang malamig na boses na iyon ay agad ding napatigil si Czarina. Napatitig siya sa madilim na pigura, saka nanginginig na nagsalita. “I-Ikaw… Magnanakaw ka na ka-boses si Damion, ‘di ba?”“Oh, really?” malamig na sagot ng lalaki. “Then look carefully.”Binuksan ni Damion ang flashlight ng cellphone niya. Sa liwanag, bumungad ang mukhang halatang nagpipigil ng galit.Tuluyan nang nanlumo si Czarina. “S-Sorry! Hindi ko alam na ikaw pala. Akala ko may magnanakaw na nakapasok.”Bigla siyang napakunot-noo. “Wait… bakit ka ba kasi nakatayo ro’n sa dilim? Huwag mong sabihing…” Tiningnan niya ito nang may pagdududa, “Magnanakaw ka talaga?”“Magnanakaw?” Napairap si Damion. “Ano namang mapapala ko sa pagnanakaw dito?”“I can’t find my cufflinks. Look around here.”Lalong naging awkward ang sitwasyon. Parang gusto na lang ni Czarina na lamunin siya ng lupa.“Um…” alanganin niyang sabi. “Tulungan na lang kitang hanapin.”“Forget it.” Hinawakan n
PAGKABALIK ng kompanya nina Czarina at Lena, kumalat agad ang balita. Lahat ay nagulat nang malaman na nakuha nila ang exclusive interview with the President of Marquez Group.Halos lahat ay naiingit at nagseselos. Sino ba naman hindi? Si Damion Marquez iyon! The Legendary President of Marquez Group
NAKASIMANGOT na pumasok sa trabaho si Czarina. Lugmok ito sa narinig mula sa ama ni Damian.“Live-In?” agad siyang kinalibutan sa kanyang sinabi, at hinaplos ang magkabilang balikat nang tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan.“A-Anong gagawin sa iisang bahay? Isang lalaki at isang babae? I know
MATAPOS siyang iwanan ng lalaki ay doon na kumawala ang luhang pinipigilan niya. Mga salitang tumarak sa kanyang dibdib ang dahilan kung bakit siya labis na nasasaktan ngayon.“This is really a mess, Zari…” bulong niya sa sarili, habang nakahiga sa carpet ng silid, yakap ang sarili, hindi dahil sa s
HINDI alam ni Czarina kung ano ang mararamdaman niya ng gabing iyon. Bago pa siya makita ay agad na itong napabalik sa kanyang kwarto at dahan-dahan na napaupo sa sahig habang yakap ang sarili.So hindi dahil delayed ang flight niya kaya hindi siya nakadating kundi dahil ayaw niya talagang pumunta?







