Natuwa ang saloobin ni Amelia matapos malaman na pinutol ang credit card ni Hazel. Umaandar ang pagiging ma-pride niya. “Wala ni katiting na pera ang para sa’yo, Hazel dahil ako lang ang nag-iisang anak ng mga Monteverde,” sabi niya sa isip-isip niya. Lingid sa kaalaman ng lahat ay tumutubo ang sungay ng kasamaan niya, pero pinapakita niyang kaawa-awa siya, “paano ba makaka-survive si Hazel kung pinutol niyo ang card niya? Matagal na siyang nakadepende sa inyo, saka wala pa siyang trabaho. Kawawa naman ho siya.” “Huwag mo siyang ipagtanggol, Amy,” pangungontra agad ni Lucas, “sa ngayon kailangan niyang matutung ayusin ang pang-uugali niya.” Nag-alinlangang siya saka bumaling kay Claudia. Tumango si Claudia bilang pagsang-ayon,” pakinggan mo ang kuya mo, anak. It’s time for her to learn to be a lady.” Sumasakit na naman ang ulo ni Claudia habang iniisip ang magaspang na ugali ng anak. Tsaka, hindi makapaniwala si Claudia na ganoon kabilis ni-let go ni Hazel ang pagmamahal nito kay
Huling Na-update : 2025-09-14 Magbasa pa