Marahas na napabuga ng hangin si Hazel Xaviera bago umupo sa malambot na sofa ng jewlry store. Namilog ang mga mata ng salesgirl nang makita ang malalaki at maliliit na paper bags ng iba’t ibang mamahaling brand ng mall, nagpapatunay na isa siyang galanti at malaking customer. “Madam, ito po ang new arrival namin, nag-iisa po ito sa lahat, pwede niyo po ba’ng subukan?” magalang nitong wika, maingat na nilapit ang hawak nitong malaking at manipis na kahon.She waved her hand. “Ibalot niyo agad iyan,” mayabang niyang utos.“Okay po, meron po kaming isa. Gusto niyo rin ba ito.”“Okay, iyan, ayon, lahat-lahat ibalot niyo lahat ng tinuro ko.” Dapat puro mamahalin lahat ng ituturo ng kanyang daliri. Nanlaki ang mga mata ng salesgirl, para itong kinuryente pero sinubukan nitong ngumiti. “Okay po, pwede pa po kayong pumuli ng gusto niyo, babalutin ko po lahat ng iyon para sa inyo.” Sa huli ay binili niya ang buong store. Umabot agad ang consumption niya sampong milyon sa loob ng dalawang or
Huling Na-update : 2025-09-22 Magbasa pa