Napatawa ako sa sinabi ni Jai habang yakap-yakap niya si baby Cheska Ren. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala, pero halata rin sa tono niya na nagbibiro lang siya. *"Baka manligaw yang anak mo, Justin, sa Cheska ko. Naku, mababalatan ko ‘yan ng wala sa oras!"* sabi niya habang kunwari’y hinihigpitan ang pagkakayakap sa anak niya. Si Justin naman ay agad na napatingin kay Jai, kunot-noo pero may bahid ng tawa sa mukha. *"Hoy, Jai! Ang aga-aga mo namang maging seloso sa anak mo. Baby pa nga ‘yang si Cheska, pinapangunahan mo na!"* sagot niya sabay akbay sa akin. *"Syempre! Anak ko ‘to eh! Baka mamaya, mana ‘yang Jayten mo sa’yo, Justin, naku, lagot na!"* dagdag pa ni Jai sabay tingin kay Franz, na noon ay tawang-tawa na sa usapan namin. *"Hoy, Jai, ano bang tingin mo kay Justin? Playboy?"* sabat ko naman habang sinusuntok-suntok nang mahina ang braso ni Justin. *"Hala! Ako na naman? Bakit parang ako lagi ang kontrabida sa usapan?"
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-08 อ่านเพิ่มเติม