Napatawa kami sa ka-cute-an ng bata. Si Laica naman, niyakap si Laicel at hinalikan sa noo. **"Nagkukwentuhan pa kami, anak. Pero bakit parang ikaw ang boss ngayon?"** biro niya. Maya-maya lang ay dumating na rin si Ethan, ang asawa ni Loury. **"Hon, hindi ka pa ba pagod? Dapat nagpapahinga ka na, ilang linggo na lang eh."** Bago pa makasagot si Loury, biglang lumabas mula sa kusina si Justin, may dalang tray ng cookies. **"Sakto ang dating niyo, may cookies ako dito. Pero kung gusto niyong umuwi agad, edi sayang lang ‘to."** biro niya, sabay kindat sa akin. Napatingin ako kay Justin at napailing. **"Gamit na gamit mo na naman yang cookies mo para pigilan kaming umalis, huh?"** Tumawa si Justin at inilapag ang tray sa mesa. **"Alam kong mahaba ang kwentuhan niyo, kaya naisip kong may pang-merienda kayo habang nagchichikahan."** Si Ethan naman, napakamot ng ulo at naupo sa tabi ni Loury. **"Alam mo, Justin, magaling ka talaga mag-isip
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-03 อ่านเพิ่มเติม