Mainit pa rin ang noo ni Leonardo nang silipin siya ni Arielle kinabukasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may dalang maliit na tray, lugaw at tubig. Kahit papaano, mas maayos na ang kulay ng mukha nito kumpara kagabi. “Here,” ani Arielle, inilapag ang mangkok sa bedside table. “Kahit konti, kumain ka. Hindi ka pwedeng puro tulog lang.” Napatingin si Leonardo sa kanya, malamlam pa ang mga mata pero kita ang inis. “You don’t have to do this. Hindi mo trabaho na alagaan ako.” Napataas ang kilay ni Arielle. “Wow. Ang saya mong pasyente. Kung ayaw mong kumain, fine. Gutumin mo na lang sarili mo.” Tumayo siya, parang aalis na. Pero bago pa siya makalayo, nagsalita si Leonardo, mababa ang boses. “Hindi mo naman kailangang magpanggap na concerned ka.” Napahinto si Arielle, dahan-dahan siyang lumingon. “Excuse me?” “You heard me,” sagot niya, malamig. “Ginawa mo lang ‘to kasi… wala kang choice. Guilt, o dahil ayaw mong mapahiya kung may mangyari sa’kin habang nandito ka.” Humigp
Last Updated : 2025-09-18 Read more