Pagkasara ng pinto ng penthouse, para akong nawalan ng hininga. Masyado itong tahimik, mas nakakatakot pa kaysa sa ingay ng press conference kanina. Sa sobrang lawak ng sala, naririnig ko ang sariling pagtikhim at ang marahas na tibok ng puso ko. Habang ako’y nakatayo pa rin malapit sa entrada, si Leandro naman ay parang walang pakialam. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa mini-bar, tinanggal ang coat niya at ikinawit iyon sa likod ng upuan, parang wala kaming pinagdadaanan. Binuksan niya ang isang bote ng scotch, inilagay sa baso, at walang tanong-tanong na nilagok. “Cheers to us,” aniya, malamig ang boses, na para bang isa itong biro na siya lang ang natatawa. “Kung iinom ako, hindi dahil may dapat tayong ipagdiwang,” sagot ko, sabay lakad palapit sa sofa. “Kundi dahil gusto kong makalimot.” Tinignan niya ako, nakataas ang isang kilay, bago ngumisi ng pamilyar niyang mapanuksong ekspresyon. “Nakakatuwa. Wala pa tayong isang araw bilang engaged, gusto mo na agad lumimot.” Um
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya