Simula nang bumalik si Arielle sa mansyon, parang nag-iba ang himig ng buong paligid. Dati, kahit puno ng tensyon, maririnig pa rin ang pagtatalo nila, ang mga sigaw, o kahit ang mga mabibigat na salita ni Leandro. Pero ngayon, ang katahimikan ang siyang umuukit ng lamat sa hangin. Tahimik si Arielle. Walang pagtingin, walang salita. Kung makikita siya ni Leandro sa dining table, palaging nakatungo, kumakain lang kung kinakailangan, walang kahit anong pagtutol. Kung may utos, susunod siya. Kung may tanong, maikli ang sagot. “Handa na,” sabi niya minsan habang inihahain ang kape. Walang emosyon, walang tingin. Nakatitig lang si Leandro sa tasa, kinuha iyon na para bang hindi siya naroroon. Wala siyang sinabi, wala ring reaksyon. Parang wala silang koneksyon kundi ang hangin sa pagitan nila. At kahit na ganyan, ramdam ni Leandro ang pagbabago. Oo, bumalik si Arielle. Oo, nasa mansyon pa rin siya. Pero ang katahimikan nito ay hindi kapareho ng dati. Kung dati, pinupuno niya ang bahay
Last Updated : 2025-09-18 Read more