“Mr. Vergara, everything’s set for your presentation later at the hotel.” Mahinang kumatok ang boses ng kanyang assistant mula sa pintuan ng opisina. “Leave it there.” maikli ngunit madiin ang sagot ni Leandro habang nakaupo sa swivel chair, nakatingin sa malayo, hawak ang ballpen na ilang ulit nang pinaikot-ikot sa kanyang daliri. Ilang segundong katahimikan, bago siya tuluyang napapikit. Sa wakas, pagkatapos ng lahat, galit, gulo, pag-aaway, sakit, parang unti-unti nang nagiging malinaw ang dapat niyang gawin. “Tama na…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. “Tama na ang pagtakbo, tama na ang pagtatago. Kung talagang mahal ko siya… hindi ko siya hahayaang mabuhay sa kasinungalingan. Hindi ko siya hahayaang isipin na hindi siya mahalaga.” Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ang mga alaala ni Arielle, bawat tawa nito, bawat galit, bawat luha, lahat ay bumabalik sa kanya, parang pelikulang paulit-ulit na ipinapakita sa isip niya. Ang sakit ng mga salitang binita
Última actualización : 2025-09-26 Leer más