Mabigat ang hangin sa loob ng session hall. Punô ng tao, mga kinatawan ng kumpanya, abogado, reporters, at ilang curious na nakikisilip. Sa unahan, tahimik na nakaupo ang judge, seryosong nag-aayos ng kanyang mga papel. Sa gilid ng plaintiff’s table, kalmado si Elton habang binabalikan ang notes sa harap niya. Suot ang maayos na dark suit, at nakapulido ang necktie, para bang bawat detalye sa kanyang anyo ay sinadyang magpahiwatig ng kapangyarihan at kontrol.“Case No. 2487. Dispute on Land Title,” basag ng boses ng clerk of court. “Plaintiff versus Defendant.”Tumayo ang kabilang counsel, matabang ang tinig, “Your Honor, today we present a witness that will prove the sale twenty years ago was forged.”Nag-ingay ang bulwagan, sabay pasok ng isang lalaking nasa singkwenta anyos. Inilahad ang kamay para sa panunumpa, at tumingin sa mga tao na para bang sigurado na siya ang magiging alas ng panig na iyon.Habang nagsimula ang direct examination, nakikinig lang si Elton. Ang bawat salita
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya