Maagang gumising si Francesca, ngunit hindi niya agad iminulat ang mga mata. Ramdam niya ang init ng araw na dumarampi sa kanyang balat mula sa bahagyang nakabukas na kurtina, at higit sa lahat, ang bigat at init ng bisig na nakapulupot sa kanya. Napangiti siya nang mapagtanto na si Elton iyon, mahimbing pa ring natutulog, bahagyang nakatagilid at nakadikit ang noo sa kanyang buhok.Hindi niya akalaing darating ang umagang ganito, walang tensyon, walang pagtatago, tanging katahimikan at presensyang nagbibigay ng kakaibang kapayapaan. Marahang iginalaw ni Francesca ang ulo niya, tumapat ang kanyang mga mata sa mukha ni Elton. Kahit mahimbing, makikita ang lalim ng pagod sa mga mata nito, ngunit ngayon, ang bawat linya ng mukha niya ay malambot, payapa, halos bata ang itsura.Napahawak siya sa pisngi ni Elton, hinaplos iyon nang dahan-dahan. Para bang isang lihim na pagsuyo na hindi niya kailanman naisip na magagawa niya. Ngunit bago pa man siya makalayo, biglang gumalaw si Elton, at ba
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya