Asul na asul ang kalangitan ganoon din ang napakalawak na karagatan. Maraming nagliliparang ibon sa himpapawid habang payapa namang humahalik ang mga alon sa buhanginan. Napakapayapa ng kapaligiran— malayo sa maingay na lungsod. Manaka-naka ay maririnig doon ang matitinis na halakhakan. Animo’y wala ng katapusan pa ang kasiyahang iyon. “Larson, don’t go there, buddy!” ani Lucifer sa tatlong taong gulang nilang anak ni Eleanor. Patungo kasi ito sa tubig. Subalit, hindi ito tumigil kaya napatakbo siya. “Huli ka!” Malakas namang tumawa si Larson. “I told you not to go there. Hindi ka pa sanay na lumangoy sa malalim. Saka, hindi pa ready maligo si daddy.” “Pelo, daddy, usto ko po swim, eh. ’Di po ba pede?” nakikiusap nitong tanong. “Uhm . . .” Nag-iisip na lumingon siya
Huling Na-update : 2025-11-03 Magbasa pa