Nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan si Lucianna, hindi nagsasalita. Kanina pa siya tahimik, iniisip pa rin ang mga nangyari kanina sa penthouse. Tiyak na kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ni Lucifer sa mga sandaling iyon. Pero kung ayaw talaga nitong maglihim sa kaniya, sasabihin nito ang totoo. Subalit, ilang ulit pa nitong sinabi na wala naman itong itinatago kaya mas nanggalaiti siya sa galit. Kung hindi na ito masaya sa kaniya, puwedeng-puwede naman nitong sabihin. Matatanggap naman niya iyon at hindi na rin niya ipagsisiksikan ang sarili rito. Pero ewan ba niya kung ano ang gusto nitong palabasin. Nahuli na niya ito at lahat, tumatanggi pa. Well, hindi naman nga nito alam na alam na niyang may milagrong ginagawa ito, at best friend nitong higad. Pero oras na mahuli niyang muli ang dalawa, pagsisihan ng mga ito iyon. “We’re here . . .” narinig niyang wika ni Lucifer nang huminto ang kotse
Last Updated : 2025-10-20 Read more