“HI, baby sisters! Excited na ba kayo? Kasi si Kuya excited na,” ani Jacob habang nakahawak sa kaniyang tiyan.Natawa siya. “Tsk! Hindi ba talaga, anak, magbabago ang paniniwala mo?” tanong niya rito. Sakay sila ng van papuntang Divine Mary Hospital. Sinundo pa niya ang mga ito sa eskwelahan, habang si Leandro naman ay tatagpuin na lang daw sila sa ospital.“Nope!” Mariing umiling si Jacob. “Lolo Alex said that he had a twin cousin. Kaya posible po ang gusto kong mangyari.”“But that was a very small chance,” wika naman ni Alejandro na katabi niya rin. Nakahawak din ito sa tiyan niya.“Well, kahit na. At least may chance pa rin.”Napailing siya. “Naku, kayo talaga. Basta, kung anuman ang lumabas sa ultrasound ngayon, tanggapin na lang natin, okay?” Sa araw na iyon kasi malalaman kung twins nga ba o hindi ang magiging anak niya at kapatid ng mga ito.Hindi sumagot si Jacob, habang tumango naman si Alejandro.“Pero, Mommy, hindi po ba mas maganda na twins? Para hindi na kayo mahirapan,”
Last Updated : 2025-11-08 Read more