“NO, Dad. It should be grand,” ani Jacob.Naroon silang mag-aama sa kwarto ni Alejandro. Plinaplano nila ang baby shower para sa mommy ng mga ito.“Are you sure? Hindi ba mas gusto ni Mommy ang simple lang?” sabi naman ni Alejandro.“Well, puwede namang simple pero grand,” katwiran ni Jacob.“Yes, Dad. Tama si Jacob. Invite na lang natin ang buong family and some closest friends, tapos gawin natin sa isang hotel. Syempre, grand ang decorations doon. Then, ’di ba po uuwi sina lolo? That’s our surprise for her,” wika naman ni Enrico.Tumango-tango si Leandro sa suhestyon ng mga anak. “Since, malakas talagang manalangin itong kapatid ninyo, then, let’s do what you’ve suggested.” Tiningnan niya si Jacob na malaki ang pagkakangisi sa kaniya. Tama na naman kasi ang hula nito. Kambal na babae nga ang magiging kapatid ng mga ito.Humalukipkip ito. “That’s given, Dad. Alam niyo namang anghel ako.”Napailing na lang silang tatlo sa sinabing iyon nito, bago ipinagpatuloy ang kanilang plano. Si E
Huling Na-update : 2025-11-08 Magbasa pa