KINABUKASAN, dahil walang pasok ay kinausap nila ang kanilang mga anak. Kasama na rin si Enrico dahil ayaw naman nilang ma-left out ito. Karapatan din naman nitong malaman ang totoo, dahil ina pa rin ang turing nito kay Stephanie. Isa pa, pamilya sila, at ang pamilya dapat sama-sama sa pagharap sa mga problema. Ipinaubaya muna niya kina Yaya Lomeng at Helen ang kambal. Wala kasi roon ang byenan niya dahil may lakad daw ito. Mabuti na rin nga iyon kasi para hindi na ito mag-alala pa sa nangyayari. Kasalukuyan silang naroon sa opisina ni Leandro. Nakaupo silang apat ng kanilang mga anak sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa, habang ito naman ay sa swivel chair nito. Katabi niya si Alejandro, na kapansin-pansin ang kakulangan sa pagtulog, habang si Jacob at Enrico naman ang magkatabi sa tapat nila na larawan sa mga mukha ang pagkalito. “Daddy, ano po’ng meron?” hindi na nakatiis na tanong n
Last Updated : 2025-11-12 Read more