“Kuya, ikaw na ang maghatid kay Maddison sa hotel.” “Pero Mama, ng dahil sa akin kaya nasugatan si Uncle Eris. Gusto kong samahan siya sa ospital.”“Maddison, tara na. Sa bahay ka uuwi.”Napalingon silang lahat kay Caleb. Pagkatapos nilingon ni Raven si Maddison para tingnan ang reaksyon nito. Sari-saring emosyon ang nakikita ni Raven sa mukha ng anak. Umiling-iling si Maddison. Nasugatan si Eris ng dahil sa kanya. At ang may sala ay si Mason, kadugo niya. Hindi alam ni Maddison kung paano ilalabas ang iba’t ibang emosyon na nararamdaman niya. Bata pa siya, pero parang ang kumplikado na ng mga nangyayari. Ang pinakamatindi pa, sarili niyang kadugo at kakambal ang nagtangka na saktan siya, sa halip na protektahan siya. “Ayaw ko na muna kayong makitang dalawa ni Mason, Papa.” Pagkasabi nun ay tumalikod na si Maddison at saka umalalay sa paglakad ni Eris.Nakaalis na ang apat ay nandoon pa rin at nakatayo si Caleb, nakatingin sa daang nilisan ng mga sasakyan nila Raven at Rainier. Mi
Huling Na-update : 2025-10-03 Magbasa pa