Nakangiti ang lalaki ng kinawayan nito si Raven, kaya walang nagawa si Raven kung hindi ang lumapit sa sasakyan ng dating guro. “Salamat po, Sir Nilo,” nahihiyang sabi ni Raven. “Nabalitaan ko na ikaw ang nakakuha ng unang puwesto sa ranking ng National Math Olympiad.”“Prelims pa lang po iyon, meron pa pong finals,” nahihiyang sagot ni Raven.“Congrats pa rin. Masaya ako para sa ‘yo, Raven. Dahil nakikita ko na gusto mo pang may marating at hindi maging maybahay na lang habambuhay.”Nahihiyang tumango-tango si Raven kay Nilo habang nakangiti. Binalingan ni Nilo ang mga reporter na nakamasid sa kanila. “Kung gusto ninyong mas lalo pang makilala si Raven Santana, pwede n’yo akong interview-hin. Dati niya akong guro sa San Clemente Science & Technology.”Natuwa ang mga reporter. Ika nga, hitting two birds in one stone. Hindi na sila mahihirapan maghanap ng makakapanayam para sa mga balita na may kinalaman kay Raven Santana, ang una sa ranking ng National Math Olympiad.Samantala, sa
Huling Na-update : 2025-10-11 Magbasa pa